PAGKAKAISA UPANG MARESOLBA ANG PAGBAHA SA DAGUPAN CITY, MULING IGINIIT

Muling iginiit ng Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga karatig-bayan ng Binalonan, Urdaneta, Sta. Barbara, San Carlos, Calasiao at Binmaley upang mas epektibong matugunan ang problema ng pagbaha sa lungsod.

Sa pamamagitan ng resolusyong ipinasa ng Sangguniang Panlungsod, layunin ng inisyatiba ang pagbuo ng isang integrated master plan na tututok sa maayos na daloy ng tubig mula kabundukan patungo sa mga pangunahing ilog. Kabilang din dito ang pagpapanatili ng malinis na kalidad ng tubig at pagbibigay-proteksyon sa industriya ng bangus at iba pang produksyon ng isda na pangunahing kabuhayan sa Dagupan.

Naipadala na ang nasabing resolusyon sa mga karatig-LGU para sa kanilang pag-aaral at posibleng pakikiisa sa mga flood mitigation efforts.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng tugon ng lokal na pamahalaan sa matagal nang problemang dulot ng pagbaha, na patuloy na iniinda ng mga residente tuwing may sama ng panahon o high tide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments