Pagkakakilanlan at kinaroroonan ng 1,914 na mga convicts na napalaya dahil sa GCTA tukoy na

Alam na ng Philippine National Police (PNP) ang mga pangalan at kinaroroonan ng 1,914 na mga convicts sa heinous crimes na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Pero kahit tukoy na ng PNP ang kinaroronan ng mga ito hinihintay pa rin nilang sumuko ang mga ito sa pinakamalapit ng police station sa kanilang area bago matapos ang 15 araw na deadline ng Pangulo.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, aarestuhin lamang nila ang mga hindi susuko kapag natapos na ang 15 araw na deadline ng Pangulo.


Gagawin aniya ng mga ide-deploy na tracker teams ang pag-aresto sa mga hindi susuko na ituturing ng pugante.

Hanggang sa September 19 ang labing limang araw na deadline ng Pangulo.

Tiniyak rin ni Banac na makikipag-ugnayan sila sa international police para maaresto ang mga convicts na nakalabas na ng bansa.

Kung kinakailangan aniya ay ilalabas rin nila ang mukha ng mga hindi susukong convicts pero siniguro na idadaan sa tamang proseso.

Sa ngayon confidential aniya ang pangalan at larawan ng 1,914 convicts na napalaya dahil sa GCTA.

Facebook Comments