Natukoy na ang pagkakakilanlan ng 7 sa 49 na sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane sa sulu noong Linggo.
Gayunman, hindi muna sila pinangalanan ng mga otoridad.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Cirilito Sobejana, inaalam nila ang pagkakakilanlan ng mga nasawing sundalo sa pamamagitan ng DNA at kanilang dental records.
Bukod sa mga nasawi, 47 sundalo at apat na sibiliyan din ang nasugatan sa insidente.
Samantala, kahapon ay narekober na ang black box ng eroplano at sinusuri na ito ng mga imbestigador.
Facebook Comments