Pagkakakilanlan ng lalaking binaril sa Makati, tukoy na!

Manila, Philippines – Tukoy na ang pagkakakilanlan ng lalaking biktima ng pamamaril sa Brgy. Pio Del Pilar sa Makati City.

Batay sa nakuhang drivers liscense mula sa wallet ng biktima, kinilala itong si Eddie Elayon na residente ng Bacoor, Cavite.

Batay sa salaysay ng mga rumspondeng pulis, posibleng isang security guard si Elayon batay na rin sa mga narekober na i.d mula rito.


Pasado alas tres ng madaling araw kanina nang maireport ang isang insidente ng pamamaril sa kanto ng Chino Roces Avenue at Aranaiz sakop ng Brgy. Pio Del Pilar.

Nang respondehan ng mga tauhan ng barangay, tumambad sa gitna ng kalsada ang isang nakahelmet na lalaki na may tama ng bala sa katawan.

Bukod dito may isang baril at mga basyo ng bala ring narekober malapit sa katawan ng biktima.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sakay ng motorsiklo ang biktima at sinasabing inagawan ng mga suspek na bumaril din dito.

Facebook Comments