Pagkakakilanlan ng mga batang nag-vandal sa mga sasakyan sa Baguio City, tukoy na!

Baguio City – Natukoy na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga batang nakuhanan ng CCTV na nag-vandal sa mga naka-park na sasakyan sa Baguio City.

Ayon kay SPO1 Dionisio Lomerez Jr. ng Baguio police, sa tulong ng CCTV, natunton ang barangay kung saan nakatira ang mga kabataan nasa edad 9 hanggang 12-anyos.

Aniya, naging lead din nila ang isinulat na pangalan ng isang tanod ng Barangay East Modern Site sa mga sasakyan.


Sabi naman ni Punong Barangay Peter Bucasan, ipinatawag na nila ang mga magulang ng mga bata.

Nakatakda naman sa Martes ang dialogue kasama ang mga kabataan, mga may-ari ng sasakyan, kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng barangay.

Facebook Comments