Manila, Philippines – Tukoy na ng Southern Police District ang pagkakakilanlan ng suspek na nanloob sa Resorts World Hotel kaninang madaling araw.
Pero tumanggi naman si Southern Police District Director Chief Supt. Tomas Apolinario na ilahad ang pangalan ng suspek na six footer ang taas, caucasian ang hitsura at english speaking.
Hindi pa mabatid ng PNP kung Pilipino ba ito o isang banyaga.
Samantala, nanindigan ang PNP na hindi act of terrorism ang nangyari dahil wala namang violence ang nangyari.
Sabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, batay sa kanilang initial assessment – lumalabas na may deperensiya sa pag-iisip ang suspek.
Hindi naman naniniwala si Dela Rosa na ang insidente sa Resorts World ay magreresulta sa pagdedeklara ng martial law sa Luzon dahil wala naman itong koneksyon sa terorismo.
DZXL558