
Hindi dapat isisi ni Atty. Harry Roque kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.., ang kaniyang sitwasyon ngayon.
Ito ang bwelta ng Palasyo kay Roque matapos nitong sabihin na hindi niya mapapatawad ang administrasyong Marcos dahil sa pagkakalayo sa kaniyang pamilya dulot ng sapilitang pag-alis niya ng bansa dahil sa sirkumstansiya.
Ayon kay Palace Press Officer (PCO) Claire Castro, hindi naman kasama ni Roque si Pangulong Marcos nang nakipag-deal at naglakad ng permit ng POGO na Lucky South 99.
Hindi rin aniya kasama ang pangulo nang magbukas ng bank account si Roque at nang magdala ito ng mga dokumento sa Quadcom hearing.
Giit ni Castro, lahat ng ito ay siya mismo ang gumawa kaya walang basehan para isisi sa pangulo ang nangyayari ngayon sa kaniyang buhay.









