Sa botong pabor ng 23 mga senador ay lumusot na sa Senado ang panukalang batas na nagkakaloob ng Filipino citizenship kina Ivorian cager Angelo Kouame at Spanish footballer Bienvenido Marañón.
Tiwala si Senator Sonny Angara na magiging malaking asset si Kouame sa Gilas Pilipinas National basketball team para mapalakas ang tsansa nating makalahok sa Tokyo Olympics.
Sabi ni Angara, nakita ang husay ni Kouame bilang miyembro ng Ateneo Blue Eagles sa nagdaang tatlong taon.
Si Marañón naman na dumating sa Pilipinas noong May 2015 ay kinakitaan ng galing bilang bahagi ng isa sa mga team ng Philippine Football League.
Pumwesto si Marańon bilang top scorer at pinarangalan bilang best import player noong 2017, 2018 at 2019.
Facebook Comments