
Paiimbestigahan ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa online gambling sa pagbubukas ng sesyon ng 29th Congress.
Nangangamba ang senador sa napakadaling proseso para ma-access ng mga estudyante ang online gambling sa mga social media platform gamit ang cellphone.
Nakasaad sa resolusyon na may mga pag-aaral na nalululong ang mga kabataan sa Bingo Plus, OKBet, Piso Game, InstaWin, Inplay, EGames, Perya Game, Bet 88 at King Casino.
Bagama’t ipinagbabawal sa mga kabataan ang pagsusugal, wala namang malinaw na polisiya para masugpo ang online at offline gambling sa mga paaralan.
Tinukoy ni Gatchalian na nahihikayat ang mga mag-aaral na magsugal dahil sa mga e-wallet at iba pang mga digital platform kung saan mahina ang sistema sa pagsilip sa edad at maraming mga addictive features at nagbibigay ng agarang kasiyahan.
Batay sa pag-aaral ng ng World Health Organization, itinuturing ang gambling disorder bilang behavioral addiction na nagdudulot ng matinding epekto sa mga kabataan tulad ng madalas na pagliban sa klase, pagnanakaw, psychological distress, at long-term addictive behavior.









