Pagkakalusot ng Divorce Bill sa komite sa kamara, ikinalungkot ng CBCP

Nakakalungkot ang naging desisyon ng mga mambabatas na pag-apruba sa Divorce Bill.

Ito ang inihayag ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) isang araw matapos ito makalusot sa House Committee on Population and Family Relations.

Ayon kay CBCP Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, mas inuuna pa ng mga mambabatas ang ganitong mga panukala sa halip na pagtuunan ang nararanasan natin ngayong krisis dulot ng COVID-19 pandemic.


Nagpahayag din ng pagkadismaya si Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes lalo na’t mayorya pa naman aniya ng mga Pilipino ay mga Katoliko.

Facebook Comments