PAGKAKAMALI HINDI MAUULIT | NCRPO, naghahanap na ng mga pulis na isasabak sa anti-illegal drugs operation

25

Manila, Philippines – Nagsimula nang maghanap ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mga pulis na isasabak sa pagbabalik nila sa anti-illegal drug operation.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, pinakilos na niya ang district directors sa Metro Manila na maging istrikto sa pagpili ng mga ilalagay sa kanilang anti–drug units at tiyaking kuwalipikado, sanay at disiplinado ang mga ito.

Aniya, hindi na mauulit ang mga pagkakamali nila noon.

Muli naman tiniyak ni Albayalde, ang paggamit ng body camera sa lahat ng operatibang sasabak sa mga operasyon lalo na ang may kinalaman sa droga.

Giit ni Albayalde, kung wala pang body camera, magpapadala ang NCRPO ng camera man at kung wala pa rin ito mag-iimbita aniya sila ng barangay o media para saksihan ang operasyon.

Facebook Comments