
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Gilas Pilipinas Youth matapos makuha ang gintong medalya sa 2025 Southeast Asian Basketball Association Under-16 Cup.
Itinanghal na kampeon ang young squad matapos ang isang dominanteng panalo laban sa Indonesia, na may perfect 6-0 record, dahilan para ma-secure ang puwesto sa FIBA Asia Cup.
Ayon kay Pangulong Marcos, patunay ito ng galing ng kabataang Pilipino na walang kapantay.
Kaya naman pagtitiyak ng pangulo, na makaaasa ng suporta ang Gilas Pilipinas Youth sa FIBA Asia Cup.
Facebook Comments









