Inihayag muli ng pamahalaan ang kanilang stand hinggil sa arbitral victory ng Pilipinas patungkol sa West Philippine Sea (WPS).
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na ang karapatan ng Pilipinas sa WPS ay desisyon sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of Sea o UNCLOS.
Pinunto ni Teodoro na hindi lang naman importante dito kung ano ang kinalabasan ng arbitral award kundi higit sa lahat ay kung paano isinagawa ang proseso para matukoy kung sino ang may karapatan sa teritoryo.
Ang proseso ay ipinatupad aniya ng isang independent arbitral tribunal na binubuo ng mga eksperto sa international law
Kaya sana hiling ng kalihim ay mas matimbang ang sitwasyon para sa interes ng nakararami at pakinabang ng world citizen.