Pagkakapasa ng 2019 budget, ikinalugod ng Palasyo

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagkakapasa ng 2019 national budget sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mahalaga para sa bansa at sa sambayanan ang 2019 budget kung saan magagawa ng tugunang ng gobyerno ang mga priorities ng pamahalaan kabilang ang infrastructure development, pagpapalawig ng programa sa human development, poverty reduction, pagpapabuti sa social services at pagtiyak ng mas secure at peaceful environment para sa lahat.

Sinabi pa ni Panelo na titiyakin ng gobyerno na matutupad ang pangakong genuine at makabuluhang pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Tiniyak din niya na sa sandaling matanggap na ng Pangulong Duterte ang General Appropriations Bill ay sasailalim ito sa masusuing pag-review para matiyak na lahat ng nilalaman nito ay nakasunod sa konstitusyon.

Bukod dito, masaya din daw ang Palasyo dahil nagkasundo na ang dalawang kapulungan para aprubahan ang pambansang budget.

Facebook Comments