Buo ang suporta ng Philippine National Police sa pagkakapasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ng Mandatory Reserve Officers training Corps o ROTC sa mga grade 11 at 12 students.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac malaki ang maitutulong nito sa kabataang nais na maging miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Makakatulong rin aniya ito sa bansa lalo na sa panahon ng national security kung saan kinakailangan na magpatawag ng reserve force.
Maging sa pag-responde aniya sa kalamidad at emergency situation ay malaki ang maitutulong ng mga kabataang sasailalim sa mandatory ROTC program.
Maliit na bagay lamang aniya ito dahil isinasama lamang ito sa mga curriculum ng mga estudyante kumpara sa ibang mga bansa na isinasalang ang lahat ng lalaki sa military training.