Pagkakapasa sa OTOP Philippines Act sa Kamara, malaking tulong sa MSMEs

37

Ikinatuwa ni three term Senator at Antique Lone District Representative Loren Legarda ang pagkakapasa ng Kamara sa One Town, One Product (OTOP) Philippines Act bago ang adjourns sine die ng Kongreso.

Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Legarda na layon ng House Bill 9350 o OTOP Philippines Act na bigyan ng assistance ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) para sa pagpapa-unlad ng kanilang mga produkto.


Umaasa ang senadora na maisasabatas ito sa lalo na’t malaking tulong ito sa pagbangon ng ating ekonomiya na malubhang tinamaan ngayong pandemya.

Facebook Comments