Pagkakapatay sa teroristang si Salahuddin Hassan at kanyang misis malaking dagok sa Daulah Islamiyah-Hassan Group ayon sa AFP

Pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Jose Faustino Jr., ang kanyang mga tauhan sa 6th Infantry Division ng Philippine Army sa pagkakapatay sa teroristang si Salahuddin Hassan at kanyang misis na si Jehana Minbida.

Si Hassan, ang emir ng Daulah Islamiyah-Hassan Group at overall emir ng Daulah Islamiyah-Philippines.

Itinuturo itong nasa likod ng serye ng pambobomba at pag-atake sa Maguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat.


Ayon kay AFP chief, isang dagok sa Daulah Islamiyah-Hassan Group ang pagkakapatay sa kanilang lider at tiyak na mabubuwag ang grupo.

Naging matagumpay aniya ang operasyon ng militar dahil sa suporta ng publiko sa ‘whole-of-nation approach’ tungo sa kapayapaan at pag-unlad.

Tinukoy rin ni Faustino ang Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) programs para maiwasan ang recruitment ng mga terorista sa mga komunidad.

Facebook Comments