Kinuwestiyon ni PBA Party-list Representative Koko Nograles kung paano nakuha ng PisoPay ang kontrata bilang collection provider ng Bureau of Quarantine sa pagkuha ng yellow cards.
Ang yellow cards ang gamit ng mga Pilipino na bumibiyahe palabas ng bansa bilang patunay na sila ay bakunado na kontra COVID-19 na nagkakahalaga ng ₱370.
Giit ni Nograles, hindi dumaan sa competitive selection process ang pagkakapili sa PisoPay na posibleng paglabag sa Build Operate Transfer Law.
Habang nagkaroon din aniya ng undue disadvantage sa mga Pilipino dahil sa hindi pagdaan sa selective process.
Sa ngayon, wala nang pagpipilian ang publiko at magbabayad na lamang ng ₱70 na service fee na mapupunta sa PisoPay.
Facebook Comments