Pagkakaroon ng air purifiers sa mga public transpo, dinepensahan

Dinepensahan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang direktiba niya sa mga konduktor at drayber ng mga pampublikong transportasyon na magkaroon ng air purifiers sa kanilang biyahe.

Kasabay ito ng sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi epektibo ang kautusan dahil makapagdudulot lamang ito ng abala sa publiko.

Giit ni Garcia, layon ng panukala na magdagdag ng proteksyon sa publiko na sinimulan na nitong August 16.


Mananatili naman aniya ang pagsunod ng lahat sa minimum health protocols kasabay ng pagpapatupad na ng panukala.

Sa ngayon, pinalawig na ni Governor Garcia ang deadline ng air purifiers hanggang sa August 25.

Kasama sa kautusan ang mga pribadong sasakyan, tricycle drivers, traditional jeepney drivers, scooter drivers at motorcycle drivers.

Facebook Comments