Pagkakaroon ng Anti-Rabies Center sa bawat congressional district, isinulong sa Kamara

Ngayong Rabies Awareness Month ay inihain ni Negros Occidental 5th District Representative Emilio Bernardino Yulo ang House Bill 7520.

Nakapaloob sa panukala ang paglalagay ng Anti-Rabies Center sa bawat congressional district sa buong bansa sa layuning mabawasan ang banta at pagkamatay ng mga tao dahil sa rabies.

Sa panukala ay tinukoy ni Yulo ang report ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagsasabing ang rabies ay isa sa mga malaking banta sa kalusugan ng mamamayan dito sa Pilipinas.


Binanggit ni Yulo na lumalabas naman sa datus ng Department of Health (DOH) na nasa average na 200 hanggang 300 na indibidwal ang nasasawi kada taon sa ating bansa dahil sa rabies.

Facebook Comments