Pagkakaroon ng apat pang dagdag na College of Medicine, pagpapahusay sa larangan ng kalusugan sa bansa

Naniniwala si Senate Committee on Health na hakbang sa pagpapabuti ng sistema ng kalusugan sa bansa ang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos bilang ganap na batas ang pagtatatag ng College of Medicine programs sa apat na State Universities Colleges (SUCs) sa Pilipinas.

Kabilang sa mga batas na ito ang pagbuo ng College of Medicine sa Benguet State University (RA 11970); Southern Luzon State University sa Lucban, Quezon (RA 11971); University of Eastern Philippines sa Catarman, Northern Samar (RA No. 11972); at Visayas State University sa Baybay, Leyte (RA No. 11974)

Sinabi ng senador na ang mga batas na ito ay nagbibigay ng pag-asa at oportunidad para sa mga kabataang Pilipino na nangangarap maging doktor.


Binigyang diin rin ni Go ang pangmatagalang benepisyo ng mga batas na ito, kung saan maraming Pilipino ang mabibigyan ng oportunidad na magkaroon ng medical profession at mapapataas ang potensyal ng bansa para sa medical excellence.

Dagdag rin ng senador na ang pagtatatag ng mga bagong Colleges of Medicine ay magsisilbi ring centers para sa research at innovation sa bansa.

Facebook Comments