PAGKAKAROON NG ARELLANO RESERVOIR AT PUMPING STATION PARA SA FLOOD CONTROL SA DAGUPAN CITY, TINALAKAY

Tinalakay ng lokal na pamahalaan kasama ang City Engineering Office at City Legal Office ang suhestyon na magkaroon ng reservoir at pumping station sa tulong ng Department of Public Works and Highways at mapag-aralan ang mga mababang drainage outlet nang makatulong upang maibsan ang pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar sa lungsod.

Sinuri rin ng lokal na pamahalaan kasama ang City Engineering Office at City Legal Office ang planong proyekto ng DPWH sa bahagi ng Dagupan-Bonuan-San Fabian road.

Planong ituloy ang Arellano road improvement at drainage system.

Tinalakay ng mga ito ang mga isasagawang development upang matiyak na hindi ito magdudulot ng baha sa nasabing bahagi.

Matatandaan na ilang kalsada at bahagi sa lungsod ang ininspeksyon at planong na rin na maisagawa muli upang maiwasan na magdulot ng disgrasya at kapahamakan sa mga motorista at residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments