Pagkakaroon ng Balikatan Exercise ng French Navy at Pilipinas, welcome kay PBBM

Welcome kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagkakaroon ng Balikatan Exercise kasama ang French Navy sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang kamakailan ay sinimulan ng Pilipinas, US, at France ang multilateral exercise sa bansa.

Sa isang ambush interview, sinabi ng pangulo na malaking bagay ang mga natatanggap na suporta ng Pilipinas para maitaguyod ang freedom of navigation at para sa ikagaganda ng global economy.


Malaking tulong aniya ito para sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa rehiyon.

Nagpasalamat din ang pangulo sa ibang mga bansa na handa pa ring tumulong sa Pilipinas sa oras ng pangangailangan.

Facebook Comments