Bago sumapit ang 2025 elections ay kailangang magkaroon ng batas sa Pilipinas laban sa “deep fake” na isang “synthetic media” na digitally manipulated kung saan napapalitan ang mukha ng isang tao gamit ang ibang mukha.
Ang mungkahi ay inihayag ng cyber security analyst na si Art Samaniego sa pagdinig ng House Committee on Information and Communications Technology at Committee on Public Information ukol sa mga ulat ng “cyberattacks” sa mga digital domain ng pamahalaan.
Ayon kay Samaniego, sa papalapit na halalan ay inaasahang mga gagamit ng deepfakes kaya dapat bumalangkas at magpasa na ng batas ang Kongreso na magbabawal dito at magre-regulate sa Artificial Intelligence o AI.
Facebook Comments