Mas kinakailangang pagtuunan ngayon ng pamahalaan ang proteksiyon ng mga manggagawa kasabay ng pagdami ng mga nagsisimula ng maliliit na negosyo.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Labor and Employment Assistant Secretary Dominique Tutay na karamihan kasi ng mga nawalan ng trabaho ngayon ay mas piniling magtayo ng food at online delivery business.
Dahil diyan, dapat aniyang masiguro ang proteksiyon para sa mga manggagawa lalo na’t wala pang batas para sa mga digital platform workers na dumami pa ngayong may COVID-19 pandemic.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 3.88 million Pilipino ang walang trabaho nitong Agosto na mas mataas kumpara sa 3.07 million na naitala noong Hulyo.
Facebook Comments