Sa naganap na pag-uusap ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pamumuno ni Mayor Fernandez kay DOH Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Vergeire, sekretarya ng Kagawaran ng Kalusugan ay ang pagbanggit ng kalahagahan ng mga boat ambulance para sa lungsod.
Bilang ang syudad ng Dagupan ay pinaliligiran ng kailugan, apat sa tatlumpu’t-isang barangay ay Island barangay, ang mga barangay ng Calmay, Lomboy, Salapingao at Pugaro na nangangailangan ng angkop na mga emergency responses pagdating sa mga kalamidad at sakunang maaaring tumama sa mga ito.
Alinsunod dito, tinukoy ng alkalde ang kahalagahan ng pagkakaroon ng boat ambulance kay DOH Sec. Vergeire na maaaring magamit 24/7 para sa emergency response, mga serbisyong medikal partikular para sa mga residente sa mga island barangays.
Hiling pa ng alkalde na sana ay kalakip pa nito ang kumpletong mga kagamitan na higit makatutulong sa pagtugon sa anumang problemang pangkalusugan ng mga residente.
Samantala, patuloy na pinag-iigting ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang programang home visit na may layong makapamahagi ng libreng mga serbisyong medikal tulad na lamang ng medical checkups, pagbibigay ng gamot at bitamina partikular para sa mga indigent na mga residente sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments