Pagkakaroon ng body cameras ng PNP, isa sa iiwang legasiya ni outgoing PNP Chief Gen. Debold Sinas ayon sa isang PNP official

Ang pagkakaroon ng body cameras ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa iiwang legasiya ni outgoing PNP Chief Gen. Debold Sinas.

Ayon kay PNP Directorate for Logistics Director Maj. Gen. Angelito Casimiro, ito ay matapos na pirmahan ni Sinas ang dokumento para sa mga biniling kagamitan.

Sa ngayon, isinasapinal pa ang mga protocols para sa paggamit ng mga kuha ng body cameras bilang ebidensiya sa mga korte.


Tinatayang nasa 16 na body camera ang ilalaan sa bawat major police station kung saan 8 dito ay gagamitin ng mga nagpapatrolya at ang ilan ay nakareserba.

Samantala, nakatakdang bumaba sa pwesto si Sinas sa kaniyang ika-56 na kaarawan sa mayo 8 na mandatory retirement age.

Facebook Comments