Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ensayo ng national athletes para sa Tokyo Olympics sa pamamagitan ng ‘bubble’ training.
Base sa plano ng Philippine Sports Commission (PSC), mag-eensayo ang mga pambansang manlalaro sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Una nang inilatag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang 10 kondisyon para mapayagan ang mga atleta at coach para bumalik na sa pag-eensayo.
Mas mahigpit din na health and safety protocols ang kanilang ipapatupad.
Nabatid na apat na Pinoy athlete na ang kwalipikadong sumalang sa nasuspending Tokyo Games na gaganapin sana sa 2021 dahil sa pandemic.
Kabilang dito sina pole vaulter EJ Obiena, boxer na sina Irish Magno at Eumir Marcial at gymnast Carlos Yulo.
Facebook Comments