Pagkakaroon ng “China desks” sa mga opisina ng PNP, binabalak na ng Pilipinas at China

Napag-usapan din sa ginanap na virtual bilateral meeting sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Ministry of Public Security of the People’s Republic of China ang pagkakaroon ng “China desks” sa mga opisina ng pulisya.

Dumalo dito sina; PNP chief Police General Guillermo Eleazar, Ministry of Public Security of the People’s Republic of China sa pangunguna ni Director General Wei Xiaojun at ang Vice Minister ng International Cooperation Department ng MPS.

Ayon sa PNP, layon nitong mapaigting pa ang pagtutulungan ng Pilipinas at China para mapaunlad ang mga isyu sa seguridad.


Ilan pa sa mga pinag-usapan ay ang; POGO activities, telecom fraud, mga kasong may kinalaman sa droga at kidnapping.

Unang binalak ang pagkakaroon ng “China desks” nitong Enero para matugunan ang tumataas na bilang ng krimen sa bansa na dawit ang mga Chineses Nationals.

Facebook Comments