Hindi napapanahon ang pagkakaroon ng confidential fund ng gobyerno lalo na nasa pandemya pa rin ang bansa dulot ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Propesor Edna Co ng UP National College of Public Administration and Governance sa panayam ng RMN Manila.
Ayon kay Co, mayroong mas dapat paglaanan ng pondo ang pamahalaan sa kabila ng naranasang krisis sa bansa.
Marami aniya dapat bigyang pansin ng gobyerno lalo na ang health care needs at mental health ng mga Pilipino ng dahil sa hinaharap na pandemya.
Pinunto rin ni Co ang kahalagahan ng ayuda sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa.
Aniya, marami ang nawalan ng trabaho dahil sa bagsak na ekonomiya ng Pilipinas.
Facebook Comments