Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 9061 o ang pagkakaroon ng corporate social responsibility ng mga business organization at korporasyon, mapa-domestic man o foreign firms na pinapatakbo dito sa bansa.
Layunin ng ‘Corporate Social Responsibility Act’ na ini-akda ni House Speaker Gloria Arroyo na protektahan ang kapakanan ng mga empleyado at mabigyan din ng tuluy-tuloy na economic at environment development sa kanilang pinagtatrabahuan.
Inaatasan din ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na makipag-ugnayan sa mga non-government at people’s organizations para sa integration, promotion at pagpapalakas ng CSR sa lahat ng business organizations.
Ang CSR ay commitment ng mga kumpanya para makapag-ambag sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya at ng lipunan katuwang ang mga stakeholders.
Kabilang sa mga aktibidad na maaaring gawin sa CSR ay mga charitable programs at projects, scientific research, youth at sports development, cultural o educational promotion, pagbibigay serbisyo sa mga beterano at senior citizens, social welfare, environmental sustainability, health development, disaster relief at assistance, socialized at low-cost housing, at iba pang employee at worker welfare- related CSR activities.
Inihain ni Arroyo ang panukala dahil maraming kumpanya ang walang pagbibigay halaga sa kapakanan ng lipunang kinabibilangan at ang impact ng trabaho sa kanilang mga empleyado.