Bukas ang Pilipinas sa posibilidad na pagkakaroon ng defense cooperation agreement sa Czech Republic.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Affairs Maria Elena Algabre, isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang interes ng pamahalaan para sa defense cooperation ng Pilipinas at Czech Republic.
Bukod dito, nakatakda ring talakayin ang areas of cooperation at iba’t ibang larangan.
Samantala, sinabi naman ni Algabre na mayroon ng defense cooperation agreement ang Pilipinas sa Germany noong 1974, at ang gagawin na lamang ng gobyerno ay palawigin pa ang kooperasyon sa depensa.
Facebook Comments