Tinabla ni dating DFA Secretary Albert Del Rosario ang pagkwestiyon ni Senate President Tito Sotto III sa paggamit niya ng diplomatic passport papuntang Hong Kong.
Sa tingin ni Del Rosario, pribilehiyo ng mga dating DFA secretary ang pagkakaroon ng diplomatic passport.
Paliwanag ni Del Rosario – bago siya pumuntang Hong Kong, sumulat siya sa DFA para ipaalam ang kanyang biyahe at ang paggamit niya sa diplomatic passport.
Kinuha umano ito ng DFA at ipinarating sa Hong Kong Consulate.
Samantala, iko-konsulta daw niya sa ombudswoman ang nangyari.
Nakatanggap din aniya siya ng mungkahi mula sa DFA na tingnan ang posibilidad na paghahain ng protesta sa kabiguan ng Hong Kong authorities na irespeto ang diplomatic passport.
Facebook Comments