PAGKAKAROON NG DRAINAGE SYSTEM SA KAHABAAN NG BINMALEY-LINGAYEN BAYWALK, PINAGPAPLANUHAN

Nagkaroon ng pagpupulong ukol sa pinaplanong drainage system sa kahabaan ng Binmaley-Lingayen Baywalk ng tanggapan ng ikalawang distrito at ang ahensyang Department of Public Works and Highways o DPWH.
Layon nitong mabigyan ng solusyon ang problemang pagbaha na nararanasan ng mga residente sa mga nasabing bayan at mga barangay dito.
Bukod pa sa drainage system, kabilang din sa plano ang dredging sa Limahong Channel.
Samantala, ilang mga bayan pa sa ikalawang Distrito ng Pangasinan ang patuloy na pinauunlad pa sa pamamagitan ng mga proyektong makakatulong maibsan ang pagbaha sa mga bayan sa nasabing distrito.
Tiniyak naman ang pagsasakatuparan ng mga proyektong ito para sa kapakanan ng mga residente sa Distrito Dos o kinabibilangan ng bayan ng Aguilar, Basista, Binmaley, Bugallon, Labrador, Lingayen, Mangatarem, Urbiztondo. |ifmnews
Facebook Comments