Pagkakaroon ng DTI app, inirekomenda ng Kamara

Inirekomenda ni Department of Trade and Industry (DTI) Committee Chairman at Valenzuela Representative Wes Gatchalian sa DTI ang pagkakaroon ng mobile application ng ahensya.

Sa virtual hearing ng Trade and Industry Committee ng Kamara, sinabi ni Gatchalian na mainam na mayroong DTI app upang dito na direktang sasabihin ng publiko ang mga reklamo sa mga restaurant, fast-food chains at ilang mga establisyimento.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pamamahiya sa mga restaurants at fast-food chains sa social media lalo pa’t hirap din ang maraming negosyo na makabalik sa kanilang operasyon.


Sa presentasyon ng DTI ay maglalatag umano ang ahensya ng citizens’ feedback mechanism para matiyak na sumusunod ang mga establisyimento sa ipinapatupad na protocols.

Tanging ang mga compliant naman o mga susunod sa DTI protocols ang papayagan na makapagpatuloy ng kanilang mga negosyo.

Isasailalim din sa post audit ng Department of Labor and Employment (DOLE), DTI, Department of Tourism (DOT), Local Government Units (LGUs) Health Office at iba pang kaukulang ahensya ng restaurants at fast-food chains para sa mahigpit na pagsunod sa mga protocol sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Facebook Comments