Pagkakaroon ng economic zone at free port sa Visayas, isinusulong sa Kamara

Isinusulong na rin sa Kamara ang pagtatatag ng economic zone at free port sa Iloilo City.

Sa House Bill #5794 ni Assistant Majority Leader at Iloilo City Rep. Julienne “Jam” Baronda, itinutulak nito ang pagkakaroon ng Metro Iloilo Special Economic Zone and Free Port na layong makahikayat ng mas maraming mamumuhunan at trabaho para sa kanilang mga residente.

Ayon kay Baronda, sa oras na maging ganap na batas ay tiyak na magiging economic booster ito hindi lamang ng Iloilo City kundi ng Western Visayas at maging ang buong Visayas.


Kabilang sa mga hanay na lalakas sa oras na maging bukas sa investments ang Iloilo City ay ang medical tourism, manufacturing, agriculture and fisheries, energy, service, export enterprises at information technology.

Naniniwala si Baronda na magiging daan ito sa pagbawas ng kahirapan at pagbilis ng paglago lalo na ng mga rural areas sa Visayas.

Facebook Comments