Naniniwala si Senator Christopher “Bong” Go na napapanahon na magkaroon ng mga pasilidad sa bawat komunidad na pansamantalang tutuluyan ng mga residenteng apektado ng malalakas na kalamidad tulad ng bagyo at lindol.
Kasunod na rin ito ng pagsasabatas ni Pangulong Bongbong Marcos sa Republic Act No. 12076 o ang Ligtas Pinoy Centers Act kung saan tinitiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa panahon ng kalamidad.
Sa pagdalo ni Go sa Cebu para abutan ng tulong ang mga biktima ng sunog, nananatili pa rin ang mga residente sa sports complex sa lugar.
Ayon kay Go, pangunahing may-akda at isa sa mga nagpanukala ng batas, panahon na para magkaroon ng mga ligtas na pasilidad na tutuluyan pansamantala ng mga maaapektuhan ng kalamidad.
Dito aniya ay masisigurong ligtas at mapapanatili ang marangal na pamumuhay hindi tulad sa mga nakagawian na evacuation centers na kulang sa mga pasilidad at kagamitan na kailangan ng mga residente.