Hindi pa talaga masabi ni Health Usec. at Treatment Czar Leopoldo Vega na “the worst of COVID-19 pandemic is over for now”.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na bagama’t bumababa talaga ang datos sa ngayon at bumubuti ang kalagayan ng mga ospital, unpredictable kasi ang COVID-19.
Ani Vega, laging andiyan ang posibilidad na muling mag-mutate ang virus sa mas nakakahawang variant kung kaya’t napakahalaga ng pagkakaroon ng flexible plan.
Aniya, kapag muling sumirit ang kaso sa bansa dapat mayroon agad isolation, detection at treatment facilities para ito ay maagapan.
Mahalaga ring maitaas ang vaccination coverage sa bansa para sa karagdagang proteksyon.
Ngunit umaasa aniya siya na nagta-transition na tayo mula emergency response patungong adoptive recovery.