Pagkakaroon ng food terminal system, iminungkahi sa susunod na administrasyon

Mahalagang maging bahagi ng pagtugon sa krisis sa pagkain at malaking investment ng gobyerno ang pagtatatag ng food terminal system.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni outgoing Agriculture Secretary William Dar na isa ito sa imumungkahi nilang proyekto sa susunod na administrasyong Marcos para mailapit ang agricultural producers o mga magsasaka sa merkado at consumers.

Ayon pa kay Dar, ito ang win-win solution para matugunan ang problema ng mga magsasaka na nagsasabing hirap silang maibenta ang kanilang ani at ang access naman ng publiko sa mas murang mga produktong pang agrikultura.


Sa kanilang panukala, sinabi ng kalihim na magkakaroon ng national, regional, provincial, sub provincial food terminal system kung saan pwedeng ibagsak o dalhin ng mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka ang kanilang ani para ibenta.

mayroon aniyang mga warehouse at cold storage dtio para paglagyan ng mga ibinagsak na produkto.

Facebook Comments