Pagkakaroon ng free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at Europa, muling isinusulong ni PBBM

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa EU-ASEAN Business Council o ABC at sa European Chamber of Commerce in the Philippines o ECCP na isulong muli ang resumption o muling pagkakaroon ng bilateral Philippine-EU Free Trade Agreement o FTA.

Ang panawagan ay ginawa nang pangulo sa kanyang mensahe sa ginanap na EU-ABC Annual General Meeting Gala Dinner sa Makati City kagabi.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., sa umpisa palang nang kanyang pag-upo sa pwesto ang kanyang administrasyon ay nakatuon na sa paghikayat nang mas maraming investors para sa Pilipinas.


Kaya naman nanawagan ang pangulo sa lahat ng kaibigan sa EU-ABC at ECCP na aktibong makiisa para sa resumption ng negosyasyon para sa pagsusulong ng free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at EU

Ipinagmalaki rin ni Pangulong Marcos sa dinaluhang Annual General Meeting Gala Dinner kung paano nakakaahon ang Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa na nakapagtala ng pagtaas na 7.6 percent Gross Domestic product para sa taong 2022.

Isa aniya itong magandang senyales para economic progress ng Pilipinas.

Facebook Comments