Pagkakaroon ng hawaan ng COVID-19 sa mga evacuation centers, posibleng mangyari – DOH

Binalaan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang publiko na posibleng magkaroon ng hawaan ng COVID-19 sa mga evacuation centers.

Inabisuhan ni Duque ang mga Local Government Units (LGU) at emergency responders na palaging obserbahan ang minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga evacuees.

Ayon kay Duque, mas maiging isang pamilya kada classroom o tent ang tatanggapin habang nararapat lamang na may maayos na bentilasyon ang mga temporary shelters.


Payo pa ng kalihim sa mga evacuees at sa lokal na pamahalaan na panatilihin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at pairalin ang social distancing kung saan bukod sa COVID-19, mino-monitor din ng DOH ang iba pang sakit sa mga evacuation centers tulad ng leptospirosis at diarrhea.

Sinabi pa ni Duque na inalerto niya ang ibang hospital upang masiguro na may sapat na generator sets, communication equipments at mga critical and lifesaving equipments kung saan namahagi na sila ng mga hygiene kits, mga gamot at face mask.

Facebook Comments