Pagkakaroon ng hiwalay na bilangguan para sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen, ganap na ring batas

Ganap na ring batas ang panukala na pagpapatayo ng hiwalay na bilangguan para sa mga napatunayang gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kabilang ito sa mahabang batas na inaprubahan sa 18th Congress na nag ‘lapse into law’ o awtomatikong naging batas.

Sa ilalim ng batas, iniuutos ang pagtatayo ng magkakahiwalay na bilangguan sa Luzon, Visayas at Mindanao para sa mga ‘heinous crime convicts’.


Ang lugar na pagtatayuan ng bukod na pasilidad para sa mga karumal-dumal na krimen ay dapat na sa ‘secured’ at ‘isolated’ na lugar na malayo sa general population, mayroong hiwalay na surveillance camera at information security system para sa 24/7 na pagbabantay.

Layunin din ng pagkakaroon ng hiwalay na bilangguan sa mga heinous crimes upang lumuwag ang ibang penal institutions.

Facebook Comments