Pagkakaroon ng integridad, accountability at propesyonalismo sa harap ng kabi-kabilang mga proyekto na may kinalaman sa imprastraktura panawagan ni PBBM

Panatilihin ang pagseserbisyo sa publiko ng may integridad, accountability at propesyonalismo.

Ito ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang panawagan ay ginawa ng presidente sa harap ng ginawang nitong pagkilala sa papel ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Transportation (DOTr) sa mga ginagawang proyektong pang-imprastraktura ng gobyermo.


Ayon sa pangulo, maiging ituloy lang ang magandang nasimulan lalo na’t sa harap ng mga highly interconnected road network projects ng kanyang administrasyon ay target na maabot ang sustained economic growth.

Inihayag ng pangulo na hindi titigil ang gobyerno sa pagsasagawa ng mga proyektong may kinalaman sa infrastructure na aniyay magpapabilis at magpapalakas sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito’y binigyang diin din naman ng pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng ganitong mga proyekto sa pagitan ng pampubliko at pribadong sektor.

Facebook Comments