Pagkakaroon ng iringan sa loob ng iisang partido, hindi na bago sa Comelec

Hindi na bago sa kasaysayan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakaroon ng iringan sa loob ng iisang partido tuwing papalapit na ang eleksiyon.

Ang gulo sa dalawang paksyon ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay una na ring nangyari sa Liberal Party noong 2006 nang patalsikin ng kampo ni dating Manila Mayor Lito Atienza si Senator Franklin Drilon bilang presidente nito.

Pagsapit naman noong March 2006, nagtipon ang kampo nina Atienza at naghalal sila ng mga bagong opisyal ng partido, kung saan matapos ang dalawang linggo ay tinanggal ni Drilon sina Atienza sa Partido Liberal.


Noong 2004 naman ay nag-agawan sa Laban sa Demokratikong Pilipino sina dating Senator Edgardo Angara at Makati Representative Agapito Butch Aquino.

Sa ngayon, nakabinbin pa sa Comelec kung ang kampo ba ni Senator Pacquaio o ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang lehitimong PDP-Laban.

Inaasahang madedesisyunan ang isyung ito bago ang Oktubre.

Facebook Comments