Wala pang datos na makapagpapatunay na kailangan ng isang indibidwal ng booster shot sa kada 3 o 6 na buwan.
Ito ang inihayag ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante sa Laging Handa public press briefing.
Ayon kay Dr. Solante, sa ngayon, isang booster shot lang muna ang tatanggapin natin dahil mabisa itong proteksyon laban sa COVID-19.
Reaksyon ito ni Solante, matapos sabihin ng Israel Health Ministry na ang pagbibigay nila ng 4th dose ng COVID-19 vaccine sa mga 60 taong gulang pataas ay nagresulta sa pagiging resistant ng mga ito o nakapagbibigay ng 3x na proteksyon laban sa mas malalang epekto ng COVID-19.
Facebook Comments