Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na mayroong nilabag sa batas ang pagkakaroon ng isang emergency alert message para sa isang kandidato.
Ito ay matapos may mga indibidwal umanong nasa filing venue kahapon ang nakatanggap ng emergency alert message tungkol sa pagtakbo ni dating Senator Bongbong Marcos.
Ayon kay Jimenez, tiyak na may nilabag na batas ang nangyari dahil ginawa ang pagpapakalat ng mensahe sa pamamagitan ng emergency alert system.
Dahil dito, umaasa ang opisyal na aaksyunan ito ng gobyerno para matukoy kung sino ang nasa likod ng insidente at mapanagot ito.
Samantala, kaugnay sa pagkukumpulan ng mga taga-suporta ng mga kandidato sa labas ng COC filing venue, sinabi ni Jimenez na bagama’t wala silang nilalabag na Comelec guidelines dahil nasa labas, nilalabag naman nila ang ‘rule of common sense’.