Pagkakaroon ng joint activities ng Pilipinas at China, suicide umano para sa bansa ayon sa isang senador

Maituturing umanong suicide ang gagawin ng Pilipinas kapag pumayag ang gobyerno na makasama ang China sa joint military exercise at joint patrol sa West Philippine Sea.

Matatandaang nitong Hulyo ay sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner na nag-alok ng joint military exercises ang China sa bansa matapos banggitin ito ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa gitna ng pagtitipon para sa anibersaryo ng People’s Liberation Army ng China.

Bukod dito, may pahayag din si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ikinukonsidera ang joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea para humanap ng oil at gas.


Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, suicide ito sakaling papayag ang bansa.

Aniya, malalaman ng China ang mga sikreto ng Pilipinas at posibleng wala pang isang linggo ng pagsasanay ay tapos agad ang boksing kapag ginustong i-take over ng China ang bansa.

Dahil dito, mariing tinututulan ni Zubiri ang anomang kahalintulad na aktibidad na iaalok ng China sa bansa.

Facebook Comments