Pagkakaroon ng joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Japan, pinaguusapan na

Napag-usapan ng Pilipinas at Japan ang pagsulong ng joint military exercises sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japanese Self Defense Force (JSDF).

Ito ay bahagi ng mas malawak na kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa na tinalakay sa Inaugural Japan-Philippines Foreign and Defense Ministerial Meeting (“2+2”) sa Tokyo, Japan.

Kasama sa isinagawang pagpupulong sina Japanese Foreign Affairs Minister Hayashi Yoshimasa at Japanese Minister of Defense Kishi Nobuo; Secretary of Foreign Affairs Teodoro L. Locsin, Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana.


Bilang pagpapalakas ng relasyong pandepensa ng Pilipinas at Japan, napagkasunduan ng mga opisyal ang pagpapalawig ng paglilipat ng kagamitang pandepensa at teknolohiya.

Maging ang pagbuo ng “framework” upang mas madalas na “reciprocal visits” sa pagitan ng militar ng dalawang bansa.

Facebook Comments