Dumipensa ang Philippine Red Cross (PRC) sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumikita ang ahensiya sa mga dino-donate na dugo ng mga indibdiwal.
Ayon kay PRC Governor Atty. Lorna Kapunan, walang bayad ang dugo pero mayroong mga processing fee para dito.
Nanawagan naman ang PRC na huwag nang isali sa bangayan nina Pangulong Duterte at Senator Richard Gordon.
Nabatid na inatasan na ni Pangulong Duterte si Solicitor General Jose Calida na sumulat kay Commission on Audit (COA) Chair Michael Aguinaldo upang hilingin na agarang magsagawa ng audit report sa pondo ng PRC.
Pero sabi naman ni Kapunan, hindi ito pwedeng gawin ng COA.
Ang PRC na nakapagbigay na ng 268,894 units of blood simula January 2021 para sa 109,644 indibidwal.
Facebook Comments