Nakakatulong ang mainit na temperatura para hindi mabilis na kumalat ang coronavirus disease.
Batay sa pag-aaral ng isang grupo ng mga researchers mula sa Tsinghua at Beihang University sa China, napag-alaman nilang nabawasan ang bilang ng pagkahawa ng COVID-19 kapag mataas ang temperatura.
Ayon kay Accuweather Senior Weather Editor and Meteorologist Jesse Ferrell, pinag-aralan ng mga researchers ang 100 mga Chinese cities na mayroong 40 cases o higit pa ng COVID-19 mula Enero 21 hanggang 23.
Aniya, ang desisyon na pag-aralan ang virus transmission sa ganitong petsa ay critical bago pa gumawa ang hakbang ang China na pigilan ang pagdami ng nahahawaan ng sakit.
Samantala, nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na hindi kailangang magpa-test ang lahat ng taong na-exposed sa COVID-19 patients.
Paliwanag ni Health Asec. Maria Rosario Vergeire, hindi lahat ng may direct contact ay nagkakaroon rin ng sintomas kaya pinapayuhan sila na mag-14 days self-quarantine para obserbahan ang kanilang sarili.
Aniya, ang mga nakakatanda, mga may sakit na talaga at mga buntis ang vulnerable na magkaroon ng COVID-19.